top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga online fixer, sampolan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2023
  • 1 min read

@Editorial | March 27, 2023


Kapansin-pansin na dumarami ang mga online fixer at tinatangkilik talaga ng publiko.


Kaugnay nito, nag-abiso na ang Land Transportation Office (LTO) na hindi nag-aalok ang ahensya ng assistance service sa lahat ng mga transaksyon nito.


Ito ay matapos na maipaabot sa LTO National Capital Region West ang isang impormasyon kaugnay sa money-making modus ng ilang grupo na nag-aalok ng assistance service sa mga online platform para sa mga nais na mapabilis ang transaksyon para sa driver’s license at car registration.


Ang kagustuhang mapabilis ang transaksyon, baka mabiktima pa. Maaari pa umanong humantong sa pagkakaroon ng pekeng lisensya o car registration na parehong paglabag sa batas.


Ang naturang online services ay hindi dapat tangkilin dahil ito ay kahalintulad ng fixing na subject sa crackdown campaign ng LTO.


Sa halip, pinapayuhan ang mga aplikante na dumirekta na lamang sa mga tanggapan ng LTO. Mas makakatipid ka pa.


Samantala, ang pakiusap naman sa LTO at sa lahat ng ahensya ng gobyerno, sikaping mapabilis ang mga transaksyon para hindi mapilitang kumapit sa fixer ang publiko. Patuloy ding habulin ang mga sangkot sa ilegal na gawain at sampulan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page