top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga OFW na naiipit sa krisis sa Ukraine, 'wag pabayaan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 20, 2022



Naiipit ngayon ang ating mga kababayan na nakatira sa Ukraine sa gitna ng krisis.


Nakapalibot ang puwersa ng Russia sa borders ng bansa, at nagbabala ang Estados Unidos na posible itong maging simula ng pagsalakay.


Nag-utos na rin ang ilang bansa sa mamamayan nito na lisanin na ang Ukraine dahil na rin sa bantang ito.


Bawat araw na lumilipas ay patuloy ang palitan ng mga salita ng mga opisyal ng Russia at Estados Unidos, lalo na sa banta ng pagsalakay.


☻☻☻


Humigit-kumulang 400 ang mga kababayan nating nakatira sa Ukraine. Tulad nila ay marami rin tayong tanong na nais nating mabigyan ng kasagutan.


Ayon sa Department of Foreign Affairs ay isinasagawa na ang evacuation plan para sa ating mga kababayan at may libreng repatriation para sa mga nagnanais na umuwi ng Pilipinas.


Ano ang paghahandang ginagawa upang i-prepara ang ating mga kababayan sa paglikas?


Wala tayong embahada sa Ukraine kung kaya’t ang embahada sa Poland ang nangangasiwa sa diplomatic relations sa pagitan ng Ukraine at ng ating bansa.


Nagpadala na ba ang ating embahada o ang DFA mismo ng tao sa Ukraine upang tingnan at i-assess ang kalagayan ng ating mga kababayan doon?


In close contact ba sa Filipino community ang point person o point persons ng DFA at ng embahada?


May balita rin na may ilang kababayan tayong nag-aalinlangang umalis ng Ukraine, dahil natatakot na walang trabahong naghihintay sa kanila pagdating sa Pilipinas.


Ano ang plano ng mga ahensiyang nangangasiwa sa OFW concerns upang mabigyan sila ng maayos na trabaho o pagkakakitaan pagbalik ng Pilipinas?


☻☻☻


Kaisa tayo sa hangarin at mga pagsisikap na magkaroon ng maayos at mapayapang resolusyon ang tensiyong ito.


Nananalangin din tayong patuloy na maging ligtas ang lahat, lalo na ang ating mga kababayan sa Ukraine.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page