ni Eli San Miguel @News| May 21, 2024
Patuloy na inoobserbahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa Indonesia.
Sa ngayon, wala pang nadidiskubre ang DMW na sinumang mga nasawi o apektadong indibidwal mula sa volcanic activity ng Mount Ibu sa lalawigan ng North Maluku sa Indonesia.
Sa isang abiso, sinabi ng DMW na malapit na nakikipag-ugnayan ang kanilang Migrant Workers Office in Singapore (MWO-SG) sa Philippine Consulate General in Manado City (PCG-Manado) habang sinusubaybayan nito ang kalagayan ng mga halos 550 Pilipino sa lugar.
"MWO-SG said Indonesian authorities reported no foreigners injured after Mount Ibu on the island of Halmahera erupted violently on the evening of 18 May 2024," saad nito.
תגובות