top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga napatay na Chinese drug traffickers, nag-sorry si P-Duterte;

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2021
2 min read

sa mga paslit na napatay sa drug war, walang sorry.


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 10, 2021



P-DUTERTE, NAG-SORRY SA CHINA SA APAT NA CHINESE NA NAPATAY SA DRUG-BUST, PERO SA MGA NAPATAY NA PASLIT NA PINOY, WALANG SORRY--Batikos ang inabot sa publiko ni P-Duterte nang magpakita siya ng kalungkutan at mag-sorry sa China sa pagkakapatay ng mga parak sa apat na Chinese drug traffickers sa Zambales.


Mababatikos talaga kasi mantakin n'yo, sa mga Chinese drug traffickers na nagpapasok ng shabu sa Pilipinas ay mariringgan na nagso-sorry siya, pero sa pamilya ng mga paslit na tinamaan ng bala at napatay sa drug-bust operation, walang sorry. Ang turing pa nga ni P-Duterte sa interbyu sa kanya noong Agosto 2016 tungkol sa mga paslit na napapatay sa kanyang drug war ay "collateral damage" lang, pwe!


◘◘◘


KAPAG KUMANDIDATO SI GEN, ELEAZAR, TATALUNIN NITO ANG MGA TRAPO--Kung pinutakti ng batikos si P-Duterte sa pag-sorry niya sa China ay bumuhos naman ang papuri kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagkakapatay ng kanyang mga tauhan sa apat na Chinese drug traffickers kasi sa panahon lang niya nangyari na may napatay na mga Instik sa drug-bust.


Sa dami ng mga Pinoy na natuwa kay Gen. Eleazar, kapag sumabak ito sa pulitika ay tiyak na tatalunin pa nito ang mga trapo (traditional politician), period!


◘◘◘


NATAWA ANG PUBLIKO SA SINABI NI P-DUTERTE NA MABUTING TAO SI MICHAEL YANG--Natawa ang publiko sa sinabi ni P-Duterte na mabuting tao ang kaibigan niyang si Yang Hong Ming aka "Michael Yang."


Mantakin n'yo, si Michael Yang na isinangkot ni former anti-drug operative Col. Eduardo Acierto sa ilegal nq droga, nagpalaganap ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) at corruption sa PS-DBM (Procurement Service-Department of Budget and Management) sa overpriced na pagbili ng facemask, face shield at PPEs (Personal Protective Equipment), para sa pangulo ay mabuting tao? Buwisit!


◘◘◘


DAPAT DAKPIN NA SI MICHAEL YANG KASI BAKA TUMAKAS PA PALABAS NG 'PINAS--Matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Senado laban kay Michael Yang ay nangako itong dadalo na sa Senate hearing tungkol sa pagkakadawit niya sa korupsiyon sa PS-DBM at koneksiyon sa Pharmally Inc. na pagmamay-ari ng mga Chinese na wanted sa Taiwan sa kasong fraud, na nakakopo ng bilyun-bilyong pisong kontrata sa Duterte gov't.


Sakaling isnabin na naman ni Michael Yang ang Senate hearing, dapat tuluyan na itong ipaaresto kasi baka "maghabol sa tambol-mayor" ang mga senador kapag nakatakas ito palabas ng bansa, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page