Mga Miron, ‘wag na makisawsaw sa isyu ng pamilya ng mga Olympian
- BULGAR
- Aug 16, 2024
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | August 16, 2024

BONGGA ang pagsalubong sa grupo ni Caloy Yulo.
Biglang milyonaryo ang mga Olympian.
Congrats!
----$$$--
HINDI na dapat makisawsaw ang mga miron sa anumang isyu sa pamilya.
Ang nasasaksihan natin ay side effects ng modernong social media.
----$$$--
NATUTUWA tayo sa pinalawak na mga benepisyo ng PhilHealth para sa mga Pilipino.
Nagtataka naman tayo kung bakit binabatikos ng isang Dr. Tony Leachon, ang excess funds transfer.
Mas mainam ang excess kaysa sa kapos sa pondo, hindi ba?
-----$$$---
MALABNAW ang kanyang mga argumento laban sa paggamit ng pamahalaan sa idle funds ng government-owned and controlled corporations tulad ng PhilHealth.
Ang halos P90 bilyon mula sa PhilHealth ay sobrang pondo o hindi nagalaw na alokasyon mula sa national government.
----$$$--
MALINAW na hindi ito kontribusyon ng mga miyembro.
Sa totoo lang, may P500 bilyong reserba ang PhilHealth para sa mga benepisyo ng kanilang mga miyembro sa mga susunod na taon.
---$$$-
KABILANG sa mga bagong benepisyo ay ang generic drugs para sa outpatient treatments ay magiging 53 na mula sa 21 items lang.
Kasama rito ang gamot kontra mga sakit na hypertension, nerve pain, at epileptic seizures.
----$$$--
DODOBLEHIN na rin ang benepisyo para sa mga pasyenteng may stroke at pneumonia kung saan makakakuha na sila ng hanggang P76,000.
Magiging P1.4 milyon na rin ang coverage limit para sa paggamot sa breast cancer mula sa dating P100,000 lang o 1,000% na pagtaas.
----$$$--
ISASAMA na rin sa coverage ang chemotherapy para sa lung, liver, ovarian, at prostate cancers bago magtapos ang 2024.
Sa totoo lang, sobra-sobra ang pondo ng PhilHealth na maiaayuda sa mga miyembro bawiin man ang pondo na inilaan dito.
-----$$$--
NAKAPAGTATAKANG imbes na suportahan o purihin, binabatikos pa ng mga kritiko ang PhilHealth na direktang nakakatulong sa ordinaryong mamamayan.
Tsk, tsk, tsk.
----$$$---
MAHALAGA ang papel ng PhilHealth lalo pa’t may ulat na nagbabalik ang banta ng COVID at ng monkey pox.
Taliwas dati, may sapat-sapat nang pondo para maayudahan ang mga miyembro sa panahon ng anumang pandemic sa hinaharap.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comments