Mga mayor, may bus panghakot ng tao sa political rally pero noon nganga sa frontliners?!!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 9, 2022
KANDIDATONG NAMIMILI NG BOTO, IBASURA SA HALALAN – Halalan na! Simula kagabi hanggang ngayong umaga ay may mga namimili ng boto para sa isang kandidato.
Ang sinumang namimili ng boto ay pulitikong walang gagawin sa bayan kundi ang magpayaman sa poder, kasi kaya gumagasta nang malaki sa halalan ang kandidato ay alam niyang malaki rin ang balik, bawi agad at may tubo pa.
Kaya panawagan natin sa ating mga kababayang botante, kapag may nalaman silang pulitikong namimili ng boto sa kanilang lugar ay dapat ibasura ito sa halalan, huwag iboto dahil tanging gagawin nito sa poder kapag nanalo ay magnakaw sa kaban ng bayan, period!
◘◘◘
SA MGA NANALO CONGRATS, SA MGA NATALO BETTER LUCK NEXT TIME – Mamayang gabi ay malalaman na ng mga kandidato sa local positions kung nanalo o natalo sila sa eleksyon, at sa parte naman ng national positions ay kadalasan inaabot ito ng 2 o 3 araw bago malaman ang resulta.
Sa mga mananalong kandidato, congrats, at sa mga matatalo naman, better luck next time, boom!
◘◘◘
KAPAG NANALO SI BBM AT PAGKARAAN IDINISKUWALIPIKA NG SC, NAPAKASUWERTE NG MANANALONG VP KASI SIYA NA MAGIGING PRESIDENT – Bagama’t absuwelto si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos sa Comelec kaugnay sa mga disqualification case na isinampa sa kanya, ay hindi pa pinal ito, dahil ang Supreme Court (SC) ang magdedesisyon kung dapat ba siyang idiskuwalipika o hindi.
Sakaling manalo si BBM at idiskuwalipika siya ng SC, napakasuwerte naman ng mananalong vice president dahil siya ang awtomatik na magiging presidente, period!
◘◘◘
PANGHAKOT SA MGA DADALO SA POLITICAL RALLY MERON, PERO SASAKYAN PARA SA MGA FRONTLINERS NOON, WALA! – Daming bus ang ginamit ng ilang alkalde sa Metro Manila para panghakot sa mga dadalo sa meeting de avance ng BBM-Sara tandem sa Parañaque City.
Kaya naman pala ng ilang alkalde sa NCR (National Capital Region) na kumuha ng mga bus para panghakot ng mga dadalo sa political rally, pero hindi nila ginawa ‘yan sa panahon ng lockdown para may masakyan ang mga frontliners sa laban kontra COVID-19, mga buset!





Comments