top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga mandaraya sa bakuna na nagkasakit, hindi sagot ng gobyerno

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 30, 2021



Walang indemnity fund para sa mga nandaraya sa bakuna.


Ito ang paalala ni National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa sa publiko matapos makatanggap ng mga ulat na ilang indibidwal ang nakakuha ng dagdag na dose ng bakuna nang wala pang anim na buwan matapos ang pagtanggap ng kanilang second dose.


Paliwanag ng opisyal, ang ginagawa ng ilan ay nagpapabakuna lamang ulit at sinasabing unvaccinated ang mga ito, kaya ang siste, naiisahan ng mga pasaway nating kababayan ang sistema.


Matatandaang sa kasalukuyan, ang binibigyan ng booster shot ay ang mga senior citizens, health workers at mga taong may comorbidities.


Sa totoo lang, nakadidismayang may ganitong insidente sa kabila ng mga paalala na ilang priority groups pa lamang ang pinapayagang makatanggap ng booster shot.


Bagama’t nakatutuwa na nagkukusa ang mga kababayan nating magpabakuna, hindi naman siguro tama na sobra-sobra ang dose ng ituturok sa mga ito.


Kaya plis lang, maghintay tayo ng abiso mula sa mga kinauukulan kung kailan dapat magpabakuna. ‘Wag atat dahil ‘pag nagkasakit kayo, hindi kayo sagot ng gobyerno.


Paalala sa lahat, ‘wag tayong magmarunong dahil hindi tayo eksperto.


Sa halip, magtiwala sa mga talagang may alam sa bakuna at makinig sa mga awtoridad dahil sila ang may alam ng mga dapat at hindi dapat gawin.


Sa ngayon, ipagpatuloy lang natin ang mga pag-iingat laban sa sakit, at kapag pinayapagan nang magpa-booster shot ang lahat, saka tayo magpabakuna.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page