Mga mandarambong, tulo-laway na naman sa ayuda
- BULGAR
- Mar 18, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | March 18, 2022
HINDI na maawat ang paglobo ng presyo ng petrolyo.
Ito ay nagaganap sa gitna ng kampanyahan sa Mayo kaya’t dapat na maging masinop at maging matipid ang mga kandidato lalo na sa paggamit ng petrolyo at propaganda.
◘◘◘
BINASTED ni Digong ang mungkahing tanggalin ang excise tax sa petrolyo dahil kailangan ng gobyerno ang buwis.
Ibinasura rin ni Digong ang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong dahil malaki ang mawawalang buwis sa pamahalaan.
◘◘◘
PERO, iniutos ni Digong ang pagkakaloob ng P200 ayuda sa bawat pamilyang naghihirap.
May madarambong na naman ang mga kolokoy.
◘◘◘
IIMPLUWENSIYAHAN ng P200 ayuda ang boto ng mga naghihirap.
‘Yung mga kumakalam ang sikmura, hindi na gaanong nakakapag-isip ‘yan, kung sino ang nagbigay ng biyaya, siya ang ihahalal nila.
◘◘◘
KAILANGAN ang inobasyon sa pangangampanya.
Sa totoo lang, dapat iwasan na ang motorcade at paggamit ng propagandang nagiging basura lang matapos ang eleksyon.
◘◘◘
AKALA ng marami ay bola lang, totoo pala na puwedeng mangampanya ang isang kandidato nang hindi gagamit ng propaganda materials tulad ng plastic, tarpaulin o kahit papel.
Hindi natutunaw ang plastic, pero ang papel ay nagmumula rin sa puno kaya’t hindi ito pabor sa kapaligiran dahil libo-libong puno ang katumbas ng isang rolyong newsprint.
◘◘◘
KINAGAT kasi ng mga volunteer cyclists ang hamon ni ex-Speaker Alan Peter Cayetano sa isang eco-friendly campaign.
Pumadyak na ang may 2,100 volunteer cyclist noong Lunes bilang suporta sa eco-friendly election campaign ng dating Speaker.
◘◘◘
HINIKAYAT din ni Cayetano ang lahat na magtanim ng mga puno at mangrove, magtayo ng urban farms, at gamitin ang social media bilang mga alternatibo sa pangangampanya.
Kaya naman pinuri ng iba’t ibang environment groups ang adbokasiya ng dating Speaker tulad ng EcoWaste.








Comments