top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga magsa-shopping, agahan para ‘di abutin ng siksikan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 19, 2020
  • 1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 20, 2020


Limang araw bago ang Pasko, dagsa na ang mamimili sa mga mall at iba pang pamilihan para paghandaan ang nasabing okasyon.


Sa sobrang daming tao sa iba’t ibang pamilihan, hindi maiwasang makaligtaan ang umiiral na health protocols. Ang siste, dikit-dikit ang mamimili at hindi maayos na nakasuot ang face mask at face shield. Parang walang pandemya.


Ang ending, nabuwisit ang ilang lokal na pamahalaan at ahensiya ng gobyerno, kaya gustuhin mang makapamili ng ating mga kababayan, pansamantalang isinara ang pamilihan para maayos ang sistema.


At ngayong palapit nang palapit ang Pasko, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na maagang mamili ng pang-Noche Buena.


Paliwanag ng ahensiya, sa nasabing paraan, maiiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao sa pamilihan.


Inaasahan na sa mga susunod na araw, dadami pa ang mamimili ng panghanda at panregalo at kapag maraming tao, baka hindi na naman masunod ang ipinatutupad na health protocols.


Tulad ng paulit-ulit nating sinasabi, maging maingat habang nasa labas. Hangga’t maaari, mahahalagang pakay lang ang gawin at iwasang maglakwatsa kung hindi naman kailangan.


Isa pa, iwasang magsama ng mga bata dahil bukod sa bawal, dagdag-alalahanin pa dahil baka maipit sakaling abutin ng siksikan sa pamilihan.


Paalala sa mga pamunuan ng mall at ibang pamilihan, mahigpit na tutukan ang health protocols dahil malamang, mayroon pa ring magpapasaway kahit magpaalala tayo.


Muli, pakiusap sa lahat, makiisa tayo dahil para sa ating lahat din naman ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page