Mga libreng paraan para alagaan ang mental health, alamin!
- BULGAR
- Sep 15, 2022
- 3 min read
ni Mharose Almirañez | September 15, 2022

Kung puwede lang sana mamuhay nang payapa, kung saan hindi mo kailangang problemahin ang iyong healthy lifestyle, physical looks, love life, sexual desire, career growth at monthly bills ay napakagaan siguro ng buhay.
‘Yung tipong, sa sobrang stress mo ay wala ka nang ibang naiisip gawin kundi pumunta sa malayo para umawra at mag-enjoy, by thinking na deserve mo naman ‘yun. Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng i-restore ang iyong mental health nang hindi nade-destroy ang iyong savings, ‘di ba?
Bilang concerned citizen, narito ang ilang tipid tips para maging stress-free sa buhay:
1. MAG-PRAY. Sa tuwing may pinagdaraanan kang mabigat na problema, isipin mo na lamang na hindi naman ‘yun ibibigay sa ‘yo ng Diyos kung alam Niyang hindi mo ‘yun malalagpasan. Humingi ka ng sapat na talino, tibay at lakas ng loob para malagpasan ang lahat ng humahamon sa iyo. Knows mo bang mas nakagagaan sa pakiramdam kapag binibigkas mo ang iyong panalangin sa halip mag-pray sa isip?
2. UMIWAS SA MGA TOXIC NA TAO. Well, hindi ka naman mai-stress kung hindi ka magpapa-stress. Kaya sa halip na makisama sa mga nakakainis na tao ay lumayo ka na lamang. Posible kasing kaya mo naa-attract ang negativity ay dahil puro negative vibes ang nasa paligid mo. Kumbaga, sila ang humahatak sa ‘yo para ma-stress. So beshie, kung alam mong toxic ‘yan, ‘wag ka nang mag-stay. Gets?
3. MAG-BUDGET NG EXPENSES. Mahirap nga naman kung puro ka lamang labas ng pera, pero hindi mo naman alam kung saan sila napupunta. Naku, beshie, nakaka-stress nga ‘yan! Mainam kung gumawa ka ng budget plan upang ma-track ang iyong expenses. Ihiwalay mo na rin ang pambayad sa bahay, kuryente, tubig, internet, insurance at loans. Siyempre, kabilang din sa basic needs ang pagkain, kaya huwag mong kalimutang maglaan ng budget para sa groceries. Kuwentahin mo na rin kung magkano ang magagastos mo sa pamasahe for the whole month. I-disregard mo muna ang milk tea, coffee at online shopping kung tight ang iyong budget. Okie?
4. MAG-EXERCISE. Nakakawala ng stress ang pag-e-exercise, kaya isama mo na ito sa iyong schedule. Sey ng experts, kada pawis na inilalabas mo sa iyong katawan ay may katumbas na daily dose of happiness. Hindi lamang nito nabu-boost ang iyong mood, concentration at alertness kundi nai-improve rin nito ang iyong cardiovascular at overall physical health. Gasino lang naman ‘yung 15 minutes na exercise, ‘di ba?
5. MATUTONG MAKUNTENTO. Huwag kang maghahangad ng mga bagay na alam mong wala ka o can’t afford dahil hindi nakaka-healthy ng mindset ‘yung porke trending, dapat ay mayroon ka rin nu’n. Sa madaling salita, huwag kang mainggit, “‘Pag inggit, pikit,” sabi nga nila. Kumbaga, nate-tempt tayo sa makikinang na bagay na nakikita ng ating mga mata, kaya bago pa ito i-process ng ating utak, pumikit na lamang tayo.
6. MAGING POSITIBO. Lahat ng bagay ay may dalawang sides, kaya kung puro negative ang nae-encounter mo, hanapin mo ‘yung kabilang side. Isipin mo na lang na sa tuwing nalulungkot ka ay makinig ka lamang ng sad songs dahil negative plus negative, is equal to positive. Mindset ba, mindset.
Additional tips na rin ang pagso-social media detox o take a break from technology. As much as possible ay i-maintain mo ang anim hanggang walong oras ng tulog, at ang walong baso ng tubig kada araw. Magbasa ka ng mga inspirational books, makipagkuwentuhan sa friends at huwag na huwag mo kakalimutang tumawa, because laughter is the best medicine.
Ngayong alam mo na kung paano maiiwasan ang stress, sana ay makatulong ang mga nabanggit upang magkaroon ka na ng payapang mental health.
Kung sakaling lumala ang iyong nararamdaman, kumonsulta agad sa doktor upang mabigyan ng karampatang treatment. After all, hangad nating lahat ang magkaroon ng masayang mindset. Kaya beshie, anuman ang pinagdaraanan mo ngayon, magiging okay ka rin.
Hope you feel better soon, beshie!








Comments