top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga kurakot, huwag basta sibakin, dapat kasuhan at mabulok sa kulungan!

BULGAR
Aug 14, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 14, 2022


HINDI LANG DAPAT SIBAKIN ANG MGA KURAKOT NA OPISYAL SA SRA AT DA, DAPAT SAMPAHAN DIN SILA NG KASO PARA MAKULONG—Matapos mabulgar na hindi awtorisado ni P-BBM na tangkang pag-angkat ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ng 300,000 toneladang asukal, nanawagan si Sen. Imee Marcos sa kanyang utol na magsagawa ng malawakang balasahan sa SRA at sa buong Department of Agriculture para mawalan ng power ang mga corrupt na opisyal na hanggang ngayon ay namamayagpag sa departamento.


Sana, hindi lang pagbalasa ang gawin ni P-BBM, sana sampahan din niya ng kaso at ipakulong ang mga buwaya sa SRA at DA para mabulok sa kulungan.


◘◘◘


PS-DBM, KAHANAY NA NG MGA DEPARTAMENTO SA PAMAHALAAN NA TALAMAK ANG KORAPSYON—Sa panahon ng dating administrasyon ni ex-P-Duterte nabulgar na talamak din pala ang korapsyon sa Procurement Service-Dept. of Budget and Management.


Noon, ang alam lang ng publiko na talamak ang korapsyon ay sa Department of Public Works and Highways, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, Department of Health, Department of Transportation at Department of Education, pero ngayon kahanay na ng mga departamentong ito ang PS-DBM kung paramihan ng corruption ang pag-uusapan.


◘◘◘


DAHIL BILYONES KUNG TUMIRADA SA KABAN NG BAYAN ANG PS-DBM, NASILIP TULOY NG COA ANG PANGWAWALANGHIYA NILA SA PERA NG BAYAN—Kung hindi naging garapal ang mga "bata" ni ex-P-Duterte na itinalaga niya sa PS-DBM at daan-daang milyong piso lang ang tinira ng mga ito, baka hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mamamayan na may kurakutan din palang nagaganap sa departamentong ito.


At dahil bilyones ang in-scam ng mga ito sa pagbili ng mga overprice na laptop gamit ang DepEd funds at overprice na face mask at face shield gamit ang DOH funds, kaya nasilip ng Commission on Audit ang masyadong garapal na pangwawalanghiya ng PS-DBM sa kaban ng bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page