top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Mga kulelat na kandidato, binigyan ng tip na ‘wag na pumunta sa debate ng Comelec?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2022
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 22, 2022



COMELEC, BINIGYAN NG TIP ANG MGA KULELAT NA KANDIDATO NA ‘WAG NA DUMALO SA DEBATE PARA HINDI MANGAMOTE?–Sabi ni Comelec spokesman James Jimenez ay magdaraos ng debate ang komisyon para sa mga presidential, vice-presidential at senatorial candidates, pero hindi ito mandatory, na ang ibig sabihin, hindi inoobliga ang lahat na dumalo.


Ganun? Aba’y parang binigyan na rin ng tip ni Jimenez ang mga walang ibubugang kandidato na huwag na dumalo para hindi mangamote sa pa-debate ng Comelec, buwisit!


◘◘◘


IMBES NA PERA NG BAYAN NA NAKUKURAKOT, GASTOS SA MGA PA-CONTEST SA BARANGAY ANG PINANGHIHINAYANGAN NI MAYOR SARA–Ayon kay VP candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio, kapag siya ang nanalong VP ay isusulong niya na ipagbawal ang mga liga, pageants, dancing at iba pang pa-contest sa mga barangay dahil sayang lang ang pera ng gobyerno, at sa halip, pagtuunan na lamang ng pansin ng kabataan ang military at disaster preparedness training.


Hay naku, imbes na ang mga pera ng bayan na napunta sa bulsa ng mga kurakot sa pamahalaan ang pag-initan ni Mayor Sara, pa-premyo ng mga local government units (LGUs) ang kanyang iniintindi, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


IBA ANG TRATO NG BATAS SA MAHIRAP AT MAYAMAN–Hinuli, pinag-mugshot at saka ikinulong ng mga pulis ang 80-anyos na si Lolo Narding Floro dahil sa pagnanakaw ng tanim ng mangga ng negosyante sa Pangasinan.


Pero ang mga kurakot, kahit bilyun-bilyong piso na ang ninakaw sa kaban ng bayan, basta kaalyado ng administrasyon ay hindi nakararanas ng tulad ng dinanas ni Lolo Narding.


Patunay ‘yan na iba ang trato ng batas sa mahihirap na nagnanakaw ng makakain at sa mga rich na kurakot sa kaban ng bayan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page