top of page

Mga kriminal, 'di na natatakot sa batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 20, 2026



Editoryal, Editorial


Dumarami ang mga holdaper na wala nang pinipiling oras at lugar. Kahit tirik ang araw o dis-oras ng gabi, may nabibiktima. Hindi na bago ang balitang may hinoldap sa kalsada, pampublikong sasakyan, establisimyento o kahit pa sa loob ng bahay.


Malinaw ang problema: wala nang takot ang mga kriminal sa batas. Kung hindi paiigtingin ang presensya ng pulis at hindi mapapabilis ang hustisya, magpapatuloy ang ganitong krimen. Hindi sapat ang paalala na “mag-ingat.” Responsibilidad ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.


Pero may papel din ang komunidad. Kailangan ang pagbabantay, pag-uulat ng kahina-hinalang kilos, at pakikipagtulungan sa mga otoridad. 


Ang katahimikan at pagwawalang-bahala ay nagbibigay-lakas sa masasamang loob.

Hindi dapat maging normal ang takot sa paglabas ng bahay. Ang seguridad ay karapatan, hindi pribilehiyo. 


Kung hindi kikilos ngayon, lalo lamang lalakas ang loob ng mga holdaper. Oras na para seryosohin ang problema.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page