top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga kolorum na may kapit sa gobyerno, isa-isahin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 14, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Marso 14, 2024


Talagang pahirapan mahuli ang mga kolorum lalo na kung mayroong kapit sa mga ahensya ng gobyerno.


Ito ang natuklasan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sangkot ang ilang kawani ng kanilang ahensya sa pagbibigay ng proteksyon sa mga sindikato ng kolorum.


Dahil dito, na-relieve na sa puwesto ang mga sangkot na kawani sa naturang gawain partikular na sa anti-colorum unit at intelligence investigation office ng ahensya.


Ayon mismo sa isang opisyal ng ahensya, hindi sila nagbibigay ng proteksyon sa mga sindikato ng kolorum.


Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon katuwang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sampahan na ng kaso ang mga sangkot na personnel ng ahensya.


Kaugnay nito, sana ay isa-isahin na ang mga sangkot sa pangongolorum at hindi pakitang tao lamang.


Ipinangako rin ng ahensya na makakaasa tayong mas paiigtingin pa nila ang paghahabol sa mga kolorum na sasakyan.


Hiling din natin na mahuli at masampulan na ang mga kolorum upang lubusan nang mawala ang mga nagbibigay ng problema sa kalsada.


Hindi madali ang pagdispatsa sa mga kolorum na sindikato kaya ito ngayon ang hamon sa gobyerno. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page