Mga kaso vs. Guo, isasampa na

ni Eli San Miguel @News | June 15, 2024

Inihayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Sabado na isasampa na sa susunod na linggo ang mga kaso laban sa sinuspindeng Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo.
Sinabi ng PAOCC na may kinalaman ang mga kaso sa mga umano'y ilegal na gawain sa isang compound na nasa likod ng munisipyo ng kanyang bayan.
Ibinahagi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na magpupulong ang interagency council, kabilang ang Department of Justice, Office of the Solicitor General, Philippine National Police, at iba pa, sa susunod na Martes upang magpasya ng mga kasong isasampa laban sa mga incorporator at beneficial owners ng Zun Yuan na sangkot sa operasyon sa Bamban.
“So, we can expect charges; criminal charges will be filed against a good number of people on Friday with regards to the Bamban operation,” ani Casio.
Matatandaang sinuspinde ng Office of the Ombudsman sa maagang bahagi ng Hunyo ngayong taon si Guo at dalawang iba pang lokal na opisyal matapos ang reklamong administratibo na isinampa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).





Comments