top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga karumal-dumal na krimen ang aksyunan, 'wag puro pulitika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 22, 2026



Editoryal, Editorial


Tama na ang maagang pangangampanya at bangayan sa pulitika. 

Habang abala ang ilan sa pagpapalakas ng pangalan at alyansa para sa susunod na eleksyon, may mga pamilyang nagluluksa dahil sa karumal-dumal na krimen.


May mga batang pinapatay. May mga kababaihang inaabuso. May mga inosenteng nadadamay sa karahasan. Ito ang dapat inuuna—hindi ang patutsada sa kalaban at 'di ang pagpapabango ng imahe.


Kung totoong nais ng mga lider ang tiwala ng taumbayan, patunayan nila ito ngayon. Palakasin ang seguridad. Bilisan ang imbestigasyon. Siguraduhin ang hustisya. Panagutin ang may sala.


Hindi kailangan ng mamamayan ng maagang pangako. Kailangan nila ng agarang aksyon.


Bago ang eleksyon, may buhay na kailangang iligtas, ito ang dapat unahin ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page