Mga kandidata, tinalbugan ng host… GABBI, 5 BESES NAGPALIT NG GOWN, CAUSE OF DELAY DAW SA MISS U-PHILS.
- BULGAR
- 1 hour ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 6, 2025
Photo: Gabbi Garcia - IG
Usa-usapan sa social media si Gabbi Garcia nu’ng mag-host sa Miss Universe Philippines 2025 kamakailan.
Pangalawang beses nang nag-host ang Kapuso actress ng Miss U-PH at tulad ng dati, palit nang palit ng outfit ang aktres.
This time, hindi lang isa o dalawang beses nagpalit ng outfit si Gabbi kundi lima! Iba pa ‘yung sa teaser ensemble for the most prestigious pageant in the country.
Dahil ilang beses siyang nagpalit ng kasuotan ay na-bash ang aktres na siya ang cause of delay ng pageant event.
Sa kanyang Instagram page ay ibinida niya kung sinu-sino ang nag-design ng kanyang mga kasuotan.
Ang unang gown ni Gabbi ay modern black and white terno na designed by Cheetah Rivera.
For the main show, Gabbi debuted a sculptural dress with a golden top and black skirt, also by Cheetah Rivera.
The ensemble is inspired by a Datu, a traditional title for a leader or ruler in various indigenous communities in the Philippines and parts of Southeast Asia.
Nang muling nagpalit ng gown ang aktres, purple naman ito, a flowy dress by Martin Bautista. It’s inspired by a Babaylan, a traditional Filipino spiritual leader, healer, and shaman in pre-colonial Philippine societies.
On her third look, she donned a warrior-inspired outfit by Jaz Cerezo, a white silky dress bedazzled with sparkly studs.
Gabbi also paid tribute para sa mga Filipino artisans dahil sa kanyang bronze ensemble ni Jayson Glarino.
On top of the flowy, silky dress is a top reminiscent of a Filipino banig.
Sa kanyang final look, Gabbi paid tribute to Filipino farmers with a pristine white ruffled ensemble by Vania Romoff.
Oh, ‘di ba, dinaig ng Kapuso actress ang mga kandidata sa Miss Universe-PH?
Lahat ng kanyang naging kasuotan ay may paliwanag siya.
Regarding naman na siya ang cause of delay, aniya, “Hindi po ako ang naging dahilan kung bakit nade-delay ang show. Marami pong commercial ang pumasok kaya dapat ‘yun ang lumabas.”
Komento ng mga netizens, “Sayang, sana sumali s’ya sa beauty pageant.”
Anyway, ang nag-uwi ng korona ay ang taga-Quezon Province na si Ahtisa Manalo na kahit palpak ang kanyang pagrampa dahil natapilok siya ay agad namang bumalik ang kanyang poise na parang walang nangyari.
Siya ang representante ng bansa sa upcoming Miss Universe pageant na gaganapin sa November 21 in Bangkok, Thailand.
Ang iba pang winners ay sina Katrina Llegado ng Taguig City na crowned Miss Supranational Philippines, Gabriella Carballo of Cebu City was named Miss Eco International Philippines, and Chelsea Fernandez of Sultan Kudarat was hailed Miss Cosmo Philippines.
Samantala, ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez was named first runner-up, at si Yllana Adanua was second runner-up.
Sulat-kamay ng aktor at initials nila, ipina-tattoo… SIGAW NG GF NI RICKY: MAHAL KITA, SOBRA-SOBRA!
IPINA-TATTOO ng girlfriend ni Ricky Davao na si Mayeth Malca sa kanyang kamay ang sulat-kamay ng aktor at initials ng kanilang pangalan bilang alaala sa yumaong nobyo.
Ipinost niya sa social media ang picture ng kanyang tattoo na may nakalagay na “R” at “M” bilang simbolo ng kanilang hindi matitinag na pagmamahalan.
“My Bubba’s handwriting inked on me forever. Same with our first names’ initials, R and M. Mahal kita, Ricky, sobra-sobra. Miss na kita,” saad ni Malca sa caption.
Ang sweet naman ng non-showbiz girlfriend ni Ricky. Nasaan man siya ngayon, tiyak na masaya na rin siya na hindi siya nakakalimutan ng mga nagmamahal sa kanya.