Mga kalaban ni Catalan hindi nakaporma sa pang-uutak niya
- BULGAR
- May 23, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | May 23, 2023

Utak at karanasan ang naging puhunan sa pakikipaglaban ni Kun Bokator gold medalist Robin “Ilonggo” Catalan upang mapagtagumpayan ang panalo sa men’s 50kgs Combat sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia. Aminado ang 32-anyos na striker sa akayanan pagdating sa pakikipag-upakan lalo mas malalaki ang kanyang nakakalaban na nakatapat sa kanyang kategorya sa biennial Games, kabilang ang hometown bet na si Sovan Nang na natakasan niya sa bisa ng 2-1 iskor.
“Actually, yung nakalaban ko na Cambodia, superstar nila, magaling at matangkad, sabi ko sige, kapag hindi ko ito binugbog at parehas kami, matatalo ako eh, kase hometown. Na-scout na nila ako bago pa ang laban,” pahayag ni Catalan sa live Bulgar Sports Beat TV.
Bata pa lang ay natuto ng sumabak sa mga bakbakan ang 5-foot-0 fighter mula Negros Occidental dahil sa amang boksingero, habang walo sa 12 magkakapatid ang pumasok sa larangan ng mixed martial arts, na pinangungunahan ng nakatatandang kapatid na si Wushu World champion at Catalan Fighting System founder Rene “D’Challenger” Catalan, habang kasalukuyang national team member at combat fighter ng Pilipinas Sambo National team na pinamumunuan ni Deputy Chef-de-Mission Paolo Tancontian.
“Kilala ako nung mga kalaban ko, lalo na yung Indonesian na nakalaban ko sa Finals.
Inaabangan na nila kami magkaharap,” wika ng dating flyweight fighter ng ONE Championship na may kartadang 10-8 panalo-talo. “Sabi noong kalaban ko very smart daw ako, ‘di daw sya nakaporma,” dagdag nito na tinalo ang MMA fighter na si Ade Permana ng Indonesia sa iskor na 3-0 sa Finals.
Malaking bagay umano na matutunan ng lahat ng fighters at boksingero ngayon na hindi pwedeng manalo ng knockout lang dahil kinakailangang gamitin ang matalas na diskarte at utak sa laro.








Comments