Mga kabataan, ‘wag pasaway sa simbang gabi
- BULGAR
- Dec 16, 2022
- 1 min read
@Editorial | December 16, 2022
Puspusan ang ginawang paghahanda ng iba’t ibang simbahan at awtoridad para sa Simbang Gabi, ngayong mas maluwag na ang COVID-19 protocols.
May mga inilagay nang physical distance markings. Naglagay din ng magkaibang entrance at exit para hindi magkumpulan ang mga deboto.
Bagama’t hindi na maghihigpit sa physical distancing, paiiralin ang pagsusuot ng face mask sa loob ng simbahan.
Plantsado na rin ang security plans. Inayos na ang mga CCTV at magpapakalat na rin ng mga pulis na magsisilbing bantay at gabay.
Paalala naman sa publiko, palaging sumunod sa mga protocols at maging alerto sa mga modus-operandi.
Para naman sa kabataan, plis lang, huwag pasaway. Kung hindi seseryosohin ang pagsisimba, manahimik na lang sa bahay.
Ang Simbang Gabi ay hindi gala, hindi tambay, hindi ‘simbang tabi’ at lalong hindi rambulan. Igalang natin ang kabanalan ng pagsisimba.
Kaya sa mga magulang, ipaunawa natin sa mga bata ang tunay na kahulugan ng Simbang Gabi.
Ito ay pagkakataon para magpasalamat sa Diyos at magnilay.



Comments