top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga kabataan, ihanda at patatagin para sa kanilang kinabukasan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 25, 2023


Naglaan ng alokasyon ang Department of Budget and Management ng 15.2 billion pesos para mapalakas ang kasanayan ng mga kabataan at mapataas ang antas ng labor work force sa bansa.


Ang hakbang ay alinsunod na rin sa mithiin na mabigyan ng comprehensive training and education ang mga kabataan sa gitna ng tumataas na qualifications sa Filipino workforce.


Ang pagtatabi ng naturang budget para sa 2024 ay magsisilbing investment o puhunan ng pamahalaan para sa human capital development.


Popondohan din ng P3.4 billion ang Free Technical-Vocational Education and Training initiative ng TESDA kung saan, tinatayang 38,179 enrollees at 10,126 graduates ang makikinabang.


Mayroon ding 200 million pesos na education assistance sa ilalim ng Private Educational Student Financial Assistance program na magbibigay ng training fees and allowances para sa may 9,708 na mga estudyante at 8,737 graduates.


Kailangang maihanda at mapalawak ang talino at kakayahan ng mga kabataan para sa kanilang kinabukasan. Sila ang magsisilbing lakas ng bayan at pag-asa para sa mas magandang hinaharap.


Kaya lahat ng programa o proyekto na puwedeng gawin sa kasalukuyan ay gawin na.


Huwag nating hayaan na masayang ang panahon at mapaglipasan na ang kanilang talino at galing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page