top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mga insidente ng pagkalunod, 'wag dedmahin

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2023
1 min read

@Editorial | April 10, 2023



Nakapanlulumo ang mga trahedyang naganap nitong nagdaang linggo.


Kasabay ng Semana Santa, may mga mag-anak, magbabarkada at magkakatrabaho ang sinamantala na rin ang pagkakataon para makapag-outing.


Gayunman, ilang insidente ng pagkalunod ang naiulat at may mga namatay.


Kabilang sa mga naiulat ay ang limang tinangay ng malakas na alon habang naliligo sa San Jose, Camarines Sur.


Sa iba pang balita, mayroon ding insidente ng pagkalunod sa Daet, Camarines Norte maging sa Magat River sa San Mateo, Isabela, Cagayan, at Dipaculao, Aurora.


Bagama’t tapos na ang Holy Week break, tiyak na marami pa rin ang nagpaplanong mag-swimming dahil summer na.


Kaya patuloy ang paalala ng mga awtoridad na mas maging maingat.


Bagama't nakaalerto ang kinauukulan at may mga bantay sa ilang resort upang maiwasan ang pagkalunod, hindi pa rin kakayanin na matutukan ang lahat.


Kaya ang pakiusap, maging responsable at ingatan ang mga kasama sa swimming, lalo na ang mga bata.


Ganundin sa mga may-ari ng resort, sundin ang mga panuntunan para sa kaligtasan.


Iwasan natin na ang masaya sanang outing ay mauwi sa libing. Okey lang na mag-enjoy basta safe.


Laging isipin ang kapakanan ng bawat isa, huwag makakalimot sa mga limitasyon at laging maging handa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page