Mga inosente, ‘di dapat nadadamay sa police operations
- BULGAR

- 4 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | April 23, 2026

Isang 12-anyos na bata ang namatay sa gitna ng pagtugis ng pulis sa isang suspek. Mali ito. Walang dahilan para may inosenteng madamay.
Oo, trabaho ng pulis ang hulihin ang kriminal. Pero mas mahalaga ang buhay ng sibilyan. Kung delikado ang sitwasyon—lalo na sa mataong lugar—dapat mas maingat.
Hindi puwedeng bara-bara ang operasyon.
Kailangan ng malinaw na patakaran: iwasan ang putukan kung may sibilyan, kontrolin ang lugar, at siguraduhing ligtas muna ang paligid bago kumilos. At kung may nagkamali, dapat may managot.
Hindi dapat nasasanay ang publiko sa ganitong balita.
Isang buhay ang nawala—at hindi na maibabalik. Kung seryoso ang kapulisan sa “serve and protect,” unahin nila ang proteksyon ng mga inosente.


Comments