top of page
Search
  • BULGAR

Mga ilegal na pasugalan, umarangkada na naman, tsk!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 16, 2022


NGO NA ITATATAG NI VP LENI, INAKALA NG MGA MARCOS LOYALISTS AT DDS NA HIWALAY NA GOBYERNO – Nag-panic ang mga Marcos loyalists at mga DDS (Duterte Diehard Supporters) sa announcement ni Vice President Leni Robredo na sa July 1, 2022 ay ilulunsad niya ang Non-Government Organization (NGO) na "Angat-Buhay".


Akala kasi ng mga Marcos loyalists at DDS ay isang hiwalay na gobyerno ang itatatag ni VP Leni, kaya nanawagan sila na ipaaresto ang Bise Presidente, at kumalma lang sila nang mapaliwanagan sila na NGO ito, o isang uri ng foundation na nakatutok sa kawanggawa, at hindi hiwalay sa gobyerno na pamumunuan ni incoming Pres. Bongbong Marcos, boom!


◘◘◘


KUNG SI LENI NAGING PRESIDENTE ISA NA LANG SA PAMILYA KHO PAPAYAGANG KUMANDIDATO – Ipinroklama na bilang nanalong gobernador at bise gobernador ang mag-asawang Masbate incumbent Gov. Antonio Kho, Vice Gov. Olga Kho at kanilang mga anak na kongresista na sina 1st Dist. Rep. Wilton Kho, 2nd Dist. Rep. Richard Kho at 3rd Dist. Rep. Ara Kho.


'Yan ang dahilan kung bakit kahit kababayan nila sa Bicol si VP Leni ay hindi nila ito sinuportahan kasi kung nagkataon na ang kasalukuyang Bise Presidente ang nanalong presidente, ay sa 2025 election ay isa na lang sa pamilya Kho ang papayagang kumandidato dahil ang isa sa misyon ni Robredo ay wakasan na ang political dynasty sa Pilipinas, period!


◘◘◘


DELIKADONG KALAGAYAN NI KRIS AQUINO IMBES IPAGDASAL, BINASH PA SA SOCIAL MEDIA – Nag-post sa social media si Kris Aquino na "life threatening" na ang kanyang mga sakit dahil mas lumala pa ito.


Imbes ipagdasal ng mga netizens ang kanyang kaligtasan, ay pinagtawanan pa siya ng mga bashers, at ang iba ay nanalangin pa siyang matigok.


Ganyan ka-bad ang mga bashers sa social media, walang pagpapahalaga sa buhay ng mga tao, tsk!


◘◘◘


AFTER ELECTIONS, MGA DROP BALLS AT COLOR GAMES UMARANGKADA NA SA BATANGAS AT LAGUNA – Pagkatapos ng eleksyon ay umarangkada na raw ang operasyon ng mga drop balls at color games ng isang alyas "Baby Panganiban" sa Sto. Tomas City, Batangas at Calamba City at Sta. Rosa City, kapwa sa Laguna.


Hindi naman kaya nag-finance si "Baby Panganiban" sa ilang pulitiko sa mga lugar na ito na nagwagi sa nakalipas na halalan, kung kaya't ang lakas ng loob niyang raketin sa mga pasugalan niyang drop balls at color games ang mga residente sa mga lungsod na ito? Boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page