Mga ibinebentang gamit, super-mahal pero luma at marumi… SIGAW NG NETIZENS: CARLA, BYUTI NGA, DUGYOT NAMAN
- BULGAR
- Feb 10, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | February 10, 2024

Kahit naman kami ay sumasang-ayon sa mga netizens na kinakantiyawan si Carla Abellana.
Hindi naman kasi magandang tingnan at hindi ka maeengganyo na bilhin ang mga pre-loved items na kanyang inilalako sa social media.
Maganda ang intensiyon ni Carla na makatulong financially thru selling her pre-loved items para sa mga grupong nag-aalaga ng mga abandoned animals and the likes dahil certified pet lover nga ang aktres.
Pero naman, mukhang nagkulang si Carla sa aspeto ng pagiging maayos.
Kumbaga, used items na nga, hindi man lang inayos o nilinis ang mga ito bago ibenta sa mga prospects.
Kahit sabihin pang branded ang mga ito, hindi naman ‘yun ang papansinin ng mga posibleng buyers lalo't medyo pricey ang mga ito.
At lalong hindi pang-bragging rights ng magsasabing property 'yun ni Carla dahil aminin nating hindi naman superstar ang aktres.
Hayan tuloy, sobrang lait ang inaabot ni Carla na tinatawag ngayong "dugyot" despite her having a very beautiful face.





Comments