top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga fully vaccinated, ‘wag makampante sa Delta variant

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 23, 2021



Hindi porke fully vaccinated na kontra COVID-19 ay 100% nang ligtas sa virus.


Ito ang paulit-ulit na paalala ng mga eksperto sa publiko, ngayong kapansin-pansing dumarami nang nagrerelaks at umaastang wala nang virus dahil marami nang hindi nagsusuot ng facemask at face shield, gayundin, dedma na sa health protocols.


Dahil dito, nanawagan ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko, lalo na sa mga bakunado na huwag maging kampante ngayong narito na ang mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.


Giit ng PMA, ang pagsunod ng publiko sa minimum health standards ay paraan para mapigilan COVID-19 surge sa mga ospital na nauwi sa paghirit nila noon ng timeout.


Samantala, nangangamba na si IATF technical advisory group member at pediatric infectious diseases expert Dr. Anna Ong-Lim na mangyari rin sa Pilipinas ang sitwasyon ngayon sa Indonesia.


Batay sa karanasan sa ibang bansa, mas mataas ang tsansang makaligtas sa Delta variant at iba pang mutation ng COVID-19 ang mga fully vaccinated. Nakaranas lang umano ng mild symptoms ang mga fully vaccinated na nagpositibo sa COVID-19 variants.


Bagama’t hindi pa sinasabi na mayroon nang community transmission ng Delta variant, dapat ngayon pa lang ay naghahanda na aniya ang pamahalaan sa posibleng malalang sitwasyon.


Kung mananatiling pasaway ang marami nating kababayan at ikonsidera pang mas mabangis ang variant na ito, posibleng lumala pa ang sitwasyon sa ating bansa.


Paalala sa taumbayan, hindi lang gobyerno ang dapat kumilos para mapigilan ang pagkalat ng virus dahil tayong mamamayan ay may dapat ding gawin.


Kaya pakiusap sa lahat — bakunado man o hindi — mag-ingat sa lahat ng pagkakataon.

Huwag nating hintayin na magkaroon pa ng local transmission ng panibagong variant bago tayo mag-ingat.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page