top of page
Search
  • BULGAR

Mga ex, pinagkwentuhan, misis napikon.. 'Manoy' ni mister, sinaksak ng gunting

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 27, 2024




Itinakbo sa pagamutan ang isang sugatang lalaki sa Maynila matapos saksakin ng gunting ng kanyang live-in partner ang maselang bahagi ng katawan nito.


Nag-iinuman ang dalawa sa isang bangketa sa Ermita at pinag-kwentuhan ang kanilang mga dating partner bago mangyari ang insidente.


Saad ni Police Captain Anthony Abundo, "Itong biktima, tumatakbo siya na napansin ng mga tao d'un at buti na lang may mga pulis tayong nagpapatrolya. So, agad na umaksiyon ang ating mga kapulisan para maitakbo siya sa ospital."


Pagbabahagi ng biktima sa mga otoridad, napikon ang kanyang partner sa kanilang mga kwento.


Hindi naman magsasampa ng kaso ang suspek laban sa kanyang live-in partner, ayon kay Abundo.


Kasalukuyang nagpapagaling ang lalaki sa ospital at hindi nagbigay ng pahayag ang partner nito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page