top of page
Search
  • BULGAR

Mga estudyanteng adik sa cellphone, aksyunan

@Editorial | April 27, 2024



Editoryal


Isang panukala ang nakatakdang ihain ng isang mambabatas kaugnay sa pagbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang gadgets habang nagkaklase.


Isusulong ang pagpapatupad ng panukalang ito sa basic education at sa high school.

Sa pamamagitan nito, mapapalakas umano ang interes ng mga estudyante sa pagbabasa lalo na’t sinasabi ng mga eksperto na bumababa na ito dahil sa pagkahumaling ng mga bata sa internet at iba pang aktibidad sa social media.


Kailangang mahikayat ang mga bata na magbasa ng mga babasahin tulad ng libro at pahayagan.


Makatutulong na makontrol ang paggamit ng mga mag-aaral ng cellphone habang nasa klasum. Maging gawi sana na ang bakanteng oras ay mailaan sa pagbabasa at hindi sa panonood ng mga videos o paglalaro online.


Gayunman, puwede pa rin naman siguro magdala ng cellphone para sa mahalagang dahilan tulad ng komunikasyon sa magulang sakaling may importanteng mensahe o tawag. Pero kapag oras ng klase at walang kinalaman ang paggamit nito, dapat ay itago muna.


Siyempre, magiging mas madali ang implementasyon nito kung magiging ehemplo ang mga guro. Dapat ay ipakita rin natin sa mga mag-aaral ang responsableng paggamit ng cellphone.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page