top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga estudyante at magulang, na-scam ng K to 12 Program

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2023
1 min read

@Editorial | May 21, 2023


May dalawang hamon na kinahaharap ang senior high school (SHS) program na dapat pagtuunan ng pansin.


Ito ang pagkakaroon ng trabaho ng SHS graduates at ang pagpasok nila sa kolehiyo.


Isang dekada nang ikinakasa ang K to 12 program, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad ang kaakibat na pangako na makakakuha ng trabaho at madaling makakapasok ang nagtapos ng senior high school.


Pakiramdam tuloy ng mga estudyante at magulang ay na-scam sila.


Maraming nagtapos ng technical-vocational courses ang walang sertipikasyon at napakahalaga nito upang sila ay makapasok ng trabaho.


Bukod dito, napatunayan na may mga SHS graduates ang lumabas na hindi pa handa sa kolehiyo at may mga kinuha silang subjects na naka-credit sa kolehiyo.


Dapat ay may koordinasyon ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para matiyak ang maayos na transisyon ng senior high school graduates.


Kung aminado ang kinauukulan na may problema sa programa, sana ay naagapan at natutukan itong maigi imbes na puro isyung pulitika ang inaatupag.


Tutal sinabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos na tapos na ang OJT ng mga itinalaga niya sa puwesto, baka naman puwede nang alisin ang mga walang 'K' at ipalit ang mga may kakayahan, talino at dedikasyon sa paglilingkod sa publiko.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page