top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga empleyado sa NAIA, tiyaking tuloy ang kayod

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 18, 2024


“Worst airport no more”. Ito ang inaasam matapos masungkit ng San Miguel Corporation ang kontrata para sa pagsasapribado sa operations at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Marami ang umaasa na wala nang brownout, mahabang pila at kung anu-ano pang aberya 'pag tuluyan nang nahawakan ng pribadong kumpanya ang nasabing paliparan.


Matatandaang inanunsyo ng Department of Transportation na ang SMC-SAP & Company Consortium ang nanalong bidder para sa P170.6 billion NAIA Public-Private Partnership (PPP) project.


Magiging partner ng SMC sa pagsasapribado sa operations at maintenance ng NAIA ang RMM Asian Logistics Inc., RLW Aviation Development Inc., at Incheon International Airport Corp. Ang nabanggit na grupo ang nag-alok ng pinakamataas na porsyentong hati sa gobyerno na 82.16%.


Kaugnay nito, ang tanong naman ng mga empleyado, ‘di kaya mawala rin sila sa NAIA?


Bagay na agad namang tiniyak ng pamunuan ng DOTr. Wala umanong empleyadong mawawalan ng trabaho kapag nag-take-over na ang grupo dahil ia-absorb sila habang ang iba ay mapupunta sa Manila International Airport Authority.


Kasabay nito, nilinaw din na ang relasyon sa pagitan ng MIAA at concessionaire ay magiging regulator-operator.


Ibig sabihin, mananatili ang overseeing function ng MIAA at lahat ng airport assets ay pagmamay-ari ng gobyerno, habang limitado sa operasyon at management ang private concessionaire.


Umaasa tayo na walang mangyayaring problema at mawawala o mababawasan na ang mga aberya sa airport.


Matagal nang sinasabi na kailangang pagtuunan ang mga pangangailangan sa NAIA bilang ito ang unang daratnan ng mga dayuhang turista o gustong magnegosyo. Dapat lang na maging ligtas, maayos at kaaya-aya para rin sa ikauunlad ng ekonomiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page