top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mga empleyado ng Senado, may P50-K ayuda, sana all!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2023
1 min read

@Editorial | Pebrero 21, 2023



Inanunsyo kahapon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na makatatanggap ng one-time P50,000 inflation allowance ang mga empleyado ng Senado.


Kasabay ng flag-raising ceremony, sinabi ni Zubiri na tinaasan ang inflation assistance para sa mga empleyado mula P12,200 ay ginawang P50,000.


Posible umano itong maibigay sa Agosto. Ang nasabing ayuda ay para makatulong umano sa mga empleyado ng Senado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


‘Ika nga, charity begins at home, kaya 3,000 empleyado ng Senado ang inaasahang makatatanggap ng pinataas na ayuda.


Inanunsyo rin na tinaasan din ang medical assistance sa mga empleyado ng Senado mula P30,000 na ginawang P50,000.


Ang insentibong ito ay kinuha umano mula sa ipon ng Senado. Kapag nagkaka-savings, dinaragdagan ang incentives para sa mga empleyado.


Sa laki ng P50,000, mapapa-sana all talaga ang ibang empleyado, lalo na ang mga karapat-dapat na tumanggap ng incentives o ayuda.


Hindi maitatanggi na marami pa ring manggagawa ang nagtitiis sa below minimum na pasahod, ang masaklap, hindi pa regular sa trabaho.


Kaya sa mga empleyado ng gobyerno na nakakatanggap ng ayuda at mga bonus, deserve n’yo ‘yan, lalo na kung kayo ay tunay na naglilingkod sa publiko at hindi sa pulitiko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page