top of page

Mga ‘demonyong’ nakapaligid kay P-BBM sa palasyo, sapul sa dasal ni Sen. Imee

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 29, 2024


SA HIRIT NI SEN. IMEE, SANA HINDI LANG LOTTO MAPA-STOP, KUNDI PATI STL NG MGA JUETENG LORDS -- Nanawagan si presidential sister, Sen. Imee Marcos sa administrasyon ng kanyang kapatid na si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na ipa-stop o suspendihin na ang operasyon ng lotto matapos mabulgar na edited ang taong isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na tumama raw ng jackpot sa lotto kasi ayon sa senadora ay naaawa siya sa mga mahihirap na kababayang tumataya rito, gayong wala namang kasiguruhan ang pagtama nila sa pasugal na ito ng PCSO.


Sana, hindi lang lotto ang mapa-stop, kundi pati ang Small-Town Lottery (STL) ng mga jueteng lords dahil hindi lang mga mananayang Pinoy ang niraraket dito ng gambling lords, kundi pati mismo ang gobyerno na dinadaya sa kitang inire-remit sa PCSO, period!


◘◘◘


TIYAK DAMING NAKAPALIGID KAY P-BBM ANG NAPA-ARAY SA DASAL NI SEN. IMEE -- Sa prayer rally ng Jesus is Lord (JIL) ay ipinagdasal ni Sen. Imee na sana haplusin ng Diyos ang puso ng kanyang kapatid na si P-BBM, na sana raw buksan ang mga mata, bigyan ng kaliwanagan ang pag-iisip at higit sa lahat, ilayo ang Presidente sa mga demonyong nakapaligid tulad ng mga taong sakim at uhaw sa atensyon.


Hindi man pinangalanan ni Sen. Imee, pero siguradong napa-aray sa kanyang dasal ang mga taong nakapaligid kay P-BBM, boom!


◘◘◘


MAY DAHILAN NA MADISMAYA ANG MAG-AMANG DUTERTE AT SEN. DELA ROSA SA MARCOS ADMIN DAHIL MISTULA SILANG IPINAHAMAK SA ICC -- Kung totoong nakapasok sa Pilipinas ang mga International Criminal Court (ICC) investigators, may dahilang madismaya sa Marcos admin sina ex-P-Duterte, Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, Sen. Ronald dela Rosa.


Sila kasi ang tila naging sentro ng imbestigasyon sa sinasabing extrajudicial killings (EJK) sa Davao City at sa buong Pilipinas, na kumbaga, ipinahamak sila ng Marcos admin sa ICC, tsk!


◘◘◘


WA’ ‘WENTA ANG BAGONG PILIPINAS NG MARCOS ADMIN DAHIL PAHIRAP NANG PAHIRAP ANG BUHAY SA ‘PINAS -- Binatikos ni Bayan Muna Chairperson, Atty. Neri Colmenares ang paggasta ng Marcos administration sa walang katuturang pagdaos ng kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” dahil hanggang ngayon ay mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


May punto si Colmenares na batikusin ang event na ‘yan, kasi sa totoo lang, parang wala namang kwenta ‘yang “Bagong Pilipinas” ng Marcos admin kasi nga pahirap nang pahirap ang buhay ngayon ng mga Pinoy, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page