Mga dekalidad, tatakbo sa 2-YO Maiden Race SLLP
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 24, 2022
Bakbakan agad ang masisilayan ng mga karerista ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite dahil dekalidad na kabayo ang maglalaban-laban sa 2022 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Race na pakakawalan sa unang karera.
Inaasahang magdodomina sa takilya ang magka-kuwadrang Love Radio at Noon Charm mula sa SC Stockfarm, sasakyan sila nina John Alvin Guce at John Paul Guce ayon sa pagkakasunod.
Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa unang kabayong tatawid sa meta kaya tiyak na magandang laban ang magaganap dahil target ng ibang kalahok na masilo ang premyo.
Posibleng magbigay ng magandang laban ang kalahok na si Malibu Bell na rerendahan ni jockey Pabs Cabalejo ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media.
May distansiyang 1,300 meter race, ang ibang kasali ay sina Distorted Julliane at Kensington sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Isa pang aabangan ng mga karerista ang labanan ng anim na mahuhusay na kabayo sa Condition Race Merged 10 na ilalarga naman sa pang-anim na karera.
Magtatagisan ng bilis sina The Accountant, Sari Baby, Magnificent Lady, Palibhasa Lalake, American Factor at Beli Bell na gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.
Babaybayin ng mga kalahok ang distansiyang 1,500 meter race, markado sa nasabing karera ang magkakamping American Factor at Magnificent Lady.
Samantala, 7 races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Love Radio/Noon Charm (1/1A), Malibu Bell (5)
Race 2 - Spoiled Brat (10), Happy Julliane/Lucky Julliane (2/2A)
Race 3 - Kevlar (4), Moderne Cong (2)
Race 4 - Macabebe (4), Divine Dancer (1)
Race 5 - You Never Know (7), Double Rock/Miss Thrifty (8/8A)
Race 6 - Palibhasa Lalake (6), Magnificent Lady/American Factor (3/3A)
Race 7 - Arrogante (7), Commodora (6), Pakikisama (5)





Comments