top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga cong., maingay sa 'pork barrel projects; tahimik sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo

BULGAR
Sep 27, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 27, 2022


MAINGAY SA BUDGET DELIBERATION ANG MGA CONG., PERO KAPAG MAY BAGYO TAHIMIK NA—Sa panahon ng budget deliberation, maingay ang mga kongresista, kani-kanyang hirit ng budget para sa kanilang distrito na kesyo pantulong sa kanilang mga kababayan, pero nang manalasa naman ang Bagyong Karding ay wala namang narinig sa kanila ang kanilang mga kababayan, hindi sila maringgan ng announcement na kanilang gagawing tulong sa mga sinalanta ng bagyo.


Kumbaga, parang ayaw nilang mabawasan ang mga budget nila para sa kanilang "pork barrel projects".


◘◘◘



WALANG BAGYO-BAGYO SA MGA SMUGGLERS—Habang nananalasa ang Bagyong Karding ay sinasamantala naman ng mga smugglers ang pagpupuslit ng mga epektos nila sa Bureau of Customs (BOC).


Ganyan kasalbahe ang mga smugglers sa bansa, walang patawad na kahit binabagyo na ang Pilipinas, tuloy pa rin ang raket nila sa adwana.


◘◘◘



KAPAG MAY NANALASANG BAGYO, SANA TIME OUT MUNA ANG BANGAYAN NG MGA SUPPORTERS NG MARCOS-DUTERTE AT AQUINO-ROBREDO—Kapuna-puna sa social media, kahit nananalasa na ang Bagyong Karding ay nagbabangayan pa rin ang mga loyalists-DDS at dilawan-kakampink.


Sana naman, sa panahon ng pananalasa ng bagyo, time out sa bangayan, iwasan muna ng mga tagasuporta ng Marcos-Duterte at Aquino-Robredo ang bangayan, kundi ang dapat gawin ay magkaisang magdasal upang malampasan ng Pilipinas at ng mga Pilipino ang matinding unos na tumama sa bansa.


◘◘◘



HUWAG DEDMAHIN ANG COVID-19 DAHIL NAKAMAMATAY PA RIN 'YAN—Sa nakalipas na isang buwan, mula Aug. 25, 2022 hanggang September 25, 2022 ay nakapagtala ang Department of Health ng higit 30,000 COVID-19 cases sa bansa.

Patunay 'yan na patuloy pa ring nananalasa ang coronavirus sa Pilipinas, kaya't sana ay huwag itong dedmahin ng pamahalaan, sana ipagpatuloy pa rin ng IATF (Inter-agency Task) ang mga gagawin nilang tugon o aksyon laban sa COVID-19 dahil nakamamatay pa rin ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page