top of page

Mga co-stars sa Banana Sundae, nag-ober da bakod na… ANGELICA AT JOHN, NAGPAIWAN SA ABS-CBN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2020
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 18, 2020




Gustuhin man nina Jayson Gainza, Sunshine Garcia, Wacky Kiray and Ritz Azul na makasama rin sina Angelica Panganiban at John Prats sa bagong comedy show ng TV5 na Sunday Kada ay hindi raw naging available ang dalawa dahil may projects ding ginagawa ang mga ito sa ABS-CBN.


Magkakasama silang lahat before sa comedy show ng Kapamilya Channel na Banana Sundae at dito nga rin nabuo ang maganda nilang samahan bilang pamilya.


“Gustung-gusto rin naman namin na buo ang Banana Sundae. 'Yang sina Ritz, Wacky, kami, magkakasama, sina Gel (Angelica), kaso lang, parang kanta, ‘Pinagtagpo pero ‘di itinadhana,'” simula ni Jayson sa virtual press conference held recently.


Malungkot din naman daw sina Angelica and John na hindi na sila magkakasama sa show but at the same time ay masaya ang mga ito para sa kanila.


“Masaya na rin sila na mayroon kaming bagong trabaho at hindi lang kami ang may trabaho kundi ‘yung ibang staff din, saka crew. Biruin mo, ilang months kaming… parang 6 months, 7 months na walang trabaho. Eto nga, dumating ang blessing. Maraming salamat kay Cong. Albee (Benitez of Bright Light Productions, producer ng Sunday Kada) na binigyan kami ng oras, binigyan kami ng trabaho. At eto na, nabuo na ulit ‘yung isang gag show na magpapasaya (sa mga manonood),” dagdag pa ni Jayson.


Sey naman ni Wacky, “Saka in fairness naman kina John Prats at Angge at saka kina Ryan Bang, nakasuporta naman sila sa atin, buo ang suporta, at saka sina Pooh.”


Dagdag naman ni Ritz, “Hindi man natin sila kasama physically, pero lagi silang sumusuporta.”


Magsisimula na ngayong Oct. 18 ang Sunday Kada, 3-4 PM sa TV5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page