ni Rensel Sabando @Entertainment | April 29, 2024
Grabe ang epekto ng Queen of Tears (QoT) dahil pati mga artista 'di napigilang mag-react at mag- post sa kanilang mga social media accounts.
Sa Instagram story, ibinahagi ni Melai Cantiveros -Francisco o mas kilalang si Momshie Melai ang pag-aabang sa paglabas ng finale episode nito.
Ipinost naman ng Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal sa kanyang Instagram account, ang isang larawan kung saan hawak nina Baek Hyun Woo at Hong Hae-In ang kanilang anak.
Caption ni Jolina, "Ang puso ko!!!!" na may kasamang mga hashtags. Komento naman ni Sherilyn Reyes-Tan ay, "Maga pa mata ko."
Nagbahagi naman sa kani-kanilang Instagram account ang mag-asawang sina Karylle at Yael Yuzon.
Ani Karylle, "Not the best presentation but I'm so proud that I prepped our K-snacks and K- dinner (including soup and branchan) for yday's finale weekend."
Post ni Yael, "Ready for the fnale!" habang nagluluto si Karylle ng Korean barbeque.
Samantala, nagpahayag naman ng iba't ibang emosyon ang journalist na si MJ Marfori sa kanyang Instagram story.
Sey niya, "The ending I asked for," na may crying emoji at praying hand.
Until now, 'di naman mapigilan ang mga halu-halong emosyon na nararamdaman ng lahat ng K drama fans dahil sa QoT.
At ngayon, patuloy ang magandang feedback sa Queen of Tears mula sa mga K drama fans.
Comments