top of page
Liza Soberano - IG.jpg

Mga CCTV sa selda ni Romualdez, hindi gumagana — Sandiganbayan

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by BRT @News | November 12, 2026



Martin Romualdez in jail

Photo: File / BJMP



Natuklasan ng Sandiganbayan na walang gumaganang CCTV camera sa lugar ng selda ni dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail.


Sa inspeksyon ng mga mahistrado, natuklasang 220 lamang sa kabuuang 450 CCTV camera sa pasilidad ang gumagana.


Sa bahagi naman ng kulungan para sa mga high-profile inmate, kabilang si Romualdez, 28 lamang sa 152 camera ang operational.


Ikinabahala ito ng korte, ngunit nilinaw na hindi sapat ang naturang natuklasan upang patunayang nakalabas si Romualdez sa kulungan nang walang pahintulot.


Kaugnay nito, pinagsusumite ng Sandiganbayan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng ulat tungkol sa mga hindi gumaganang CCTV camera sa pasilidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page