top of page
Liza Soberano - IG.jpg

8 yrs. old, todas sa police car

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | November 12, 2026



8 anyos nabangga ng police car - Circulated

Photo: Circulated



Patay ang isang 8-anyos na batang babae habang sugatan ang 51-anyos na lola nito makaraang mabangga ng police patrol car ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa intersection ng General Santos Drive at Sinsuat Street sa Barangay Zone IV, Koronadal City nitong Martes ng umaga.


Nasawi habang ginagamot sa ospital ang biktimang si “Vanessa” habang sugatan ang kanyang lola na si “Meriam” sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan.


Ang sangkot na sasakyan ay isang pick-up patrol car ng Sultan Kudarat  Police  Mobile Force company na minaneho ni  Pol. Corporal Elton John Rombawa, 30.


Batay sa imbestigasyon ng Koronadal City Police Station Traffic Section, galing sa Brgy. Morales ang police patrol car patungo sa rotonda nang mabangga ang motor ng maglola.


Sinabi ng biktimang lola na naka-green na sila  at hindi niya inaasahan ang mabilis na pagsalubong ng patrol car na naging dahilan para mabangga sila ng kanyang apo.

Isinailim na sa kustodiya ng Koronadal City Police ang pulis na nakabangga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at tiniyak ni PLt. Col. Harold Cornel, na magiging patas sila sa imbestigasyon.


Iniutos na rin ng Police Regional Office 12 na isa ilalim sa drug at alcohol test ang nakabanggang pulis para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa sandaling lumabas ang resulta ng imbestigasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page