Trump, dadalo sa ASEAN Summit sa Maynila sa Nov. 17

by BRT @News | November 12, 2026

Photo: File
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalo si US President Donald Trump sa ASEAN-US Special Summit sa Maynila sa Nobyembre 17.
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong mula Nobyembre 15 hanggang 17, kung saan tatalakayin ang mahahalagang usaping panrehiyon at pandaigdig, kabilang ang sitwasyon sa Myanmar.
Dadalo rin ang mga lider mula sa Brazil at Canada bilang Guests of the Chair, habang makikilahok naman ang China, Japan, India at iba pang dialogue partners sa mga kaugnay na summit sa Nobyembre 16 at 17.





Comments