Simula Nov. 16... Mga mall sa M. Mla., 11am-11pm na

ni Gina Plenago @News | November 3, 2026

Photo: File
Magbabago ang operating hours ng mga shopping mall sa Metro Manila mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi, simula Nobyembre 16 hanggang Disyembre 25, 2026.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), layunin nitong maibsan ang matinding trapiko ngayong Christmas season. Hindi sakop ng bagong oras ang weekends at holidays.
Lilimitahan din ang mall deliveries mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw, maliban sa mga produktong madaling masira. Tuwing weekends lamang papayagan ang mall-wide sales.
Hindi naman sakop ng bagong schedule ang mga restaurant, supermarket at government service offices sa loob ng mga mall.





Comments