top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga buwaya at walang silbing customs officials, sibakin!

BULGAR
Jun 4, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 4, 2022


ABANGAN ANG MANGYAYARING SIBAKAN SA CUSTOMS–Usap-usapan sa Bureau of Customs (BOC) na sa pagpasok ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay marami masisibak sa BOC.


Kabilang umano sa mga matatanggal sa puwesto ay sina Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, Deputy Commissioner-Enforcement Group chief, Teddy Raval at Deputy Commissioner-Revenue Collection and Monitoring Group, Vener Baquiran.


Kung totoo na sila’y sisibakin ni P-BBM, isa lang ibig sabihin niyan at maaaring nakarating sa incoming president na “nget-pa” ang kanilang performance sa Adwana kaya naging usap-usapan na masisibak sila sa kanilang puwesto pagpasok ng Marcos administration, boom!


◘◘◘


PANGALAN NG RELIGIOUS LEADER, GINAGAMIT SA PAGLA-LOBBY NG ILANG CUSTOMS OFFICIALS–May ilang Customs officials daw ngayon ang nagla-lobby sa kampo ni P-BBM at ginagamit pa ang pangalan ng isang lider ng religious group para sila ay manatili sa kanilang posisyon.


Sa totoo lang, kung maganda ang performance ng mga Customs officials, tiyak na pananatilihin sila ni P-BBM sa kanilang posisyon at hindi na nila kailangan pang mag-lobby at gamitin ang pangalan ng lider ng religious group para manatili sa kanilang mga puwesto, period!


◘◘◘


PAGGAMIT SA PANGALAN NG RELIGIOUS LEADER, SABLAY–Mali ang naging diskarte ng ilang Customs officials sa paggamit sa pangalan ng lider ng religious group.


Kapag nakarating sa kaalaman ng lider ng religious group na ginagamit ang kanyang pangalan ay baka ito pa ang magsabi sa kampo ni P-BBM na sibakin ang mga ito sa Customs.


Sa lahat ng ayaw ng lider ng religious group ay ginagamit ang kanilang relihiyon at ang kanyang pangalan para sa pansariling interes ng ilang opisyal ng Customs, boom!


◘◘◘


‘KAMAY NA BAKAL’, DAPAT GAMITIN NI P-BBM PARA MATIGIL NA ANG SMUGGLING SA CUSTOMS–Noong Abril 12, 2022 ay pinangalanan ni outgoing Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III ang apat na smuggler ng gulay sa bansa na sina “Lea Cruz” at “Jun Diamante”, na nag-o-operate sa Manila International Container Port (MICP) at Cagayan de Oro City; “Manuel Tan” na nag-o-operate sa Subic at Cagayan de Oro City at “Andrew Chang” na nag-o-operate sa MICP. Subic at Batangas.


Bukod sa mga gulay smugglers na ‘yan, marami ring smugglers ng bigas, asukal, electronics, plastic resins at general merchandise sa bansa.


Sa totoo lang, dapat ‘kamay na bakal’ ang gamitin ni PBBM sa Customs para matigil na ang smuggling sa Adwana upang makalikom ng sapat na buwis ang pamahalaan sa Customs, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page