Mga biyahe abroad ni VP Sara, aprub kay PBBM — Castro
- BULGAR

- 23 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 22, 2026

Photo: Atty. Claire Castro at Inday Sara Duterte - POC - Senate PH
Kinumpirma ng Malacañang na nasa labas ng bansa si Vice President Sara Duterte hanggang sa katapusan ng buwan habang nagpapatuloy ang kanyang impeachment trial.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary, ang pagbiyahe ni Duterte sa ilang bansa mula Hulyo 16 hanggang 31.
Kabilang aniya sa itinerary ng “personal trip” ng Bise Presidente ang Qatar, Germany, United Kingdom, Northern Ireland, at Netherlands.
Ibinahagi naman ni defense spokesperson Atty. Michael Poa ang kasalukuyang kinaroroonan ng Bise Presidente sa isang press conference bago ang pagpapatuloy ng paglilitis nitong Martes.
“As far as I know, she is in the Hague but she’ll be back soon,” ani Poa.





Comments