top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga biyahe abroad ni P-BBM na para sa ekonomiya, abangan ang resulta

BULGAR
Jan 10, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 10, 2023


Non-stop ang pagbiyahe abroad ni Pangulong Bongbong Marcos, ito ‘yung travel goals na aniya’y para sa ekonomiya ng ‘Pinas.


Kamakailan nang magpuntang China ang Pangulo at sa Enero 16 hanggang 20 ay sa Switzerland naman bago lumipad pa-Japan.


Hirit tuloy ng ilan, sana all nakakapag-around the world.


Tiniyak ng Pangulo na ang mga ginagawang state visit ay para makakuha ng mga investment na magbabangon sa kabuhayan ng mga Pinoy.


Lalo na ngayon na tumaas na ang utang ng gobyerno sa ikaapat na magkakasunod na buwan.


Batay sa ulat, tumaas ng halos apat na beses at umabot sa P98 bilyon ang utang na karamihan ay nagmula sa domestic debt market.


Ang pinakahuling datos mula sa Bureau of the Treasury ay nagpakita na ang kabuuang utang para sa Nobyembre ay tumaas ng 266.6 porsyento hanggang P97.87 bilyon mula sa P26.7 bilyon lamang sa parehong buwan noong 2021.


Ito ang ikaapat na buwan na sunud-sunod na pinalaki ng gobyerno ang mga utang nito matapos bawasan ang financing nito sa loob ng pitong magkakasunod na buwan.


Ang ‘increase’ ay dahil din sa pagtaas ng mga rate ng interes sa buong mundo, na nagpilit sa central bank ng bansa na gawin din ito.


Kapag napag-uusapan ang utang bansa, kasunod na ang mga kataga na kahit hindi pa ipinapanganak ay may utang na, parang ganu'n na nga. Kaya kailangang mas kumayod ng gobyerno at ng bawat Pinoy na rin para mabayaran ang mga utang at magkaroon ng mas malaking pondo para matugunan ang mga pangangailangan ng bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page