top of page
Search
  • BULGAR

Mga bilangguan, ‘di itatayo sa Masungi Georeserve — BuCor

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 16, 2024




Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. nitong Martes na walang bilangguan ang itatayo sa loob ng Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.


“The bureau with proper coordination with the Department of Environment and Natural Resources will also conduct (a) delineation survey sometime next month but do not misconstrue this to anything because we only want to determine the metes and bounds of BuCor property that we need to secure,” pahayag ni Catapang.


Noong simula ng 2023, nagkaroon ng alitan ang BuCor at ang Masungi Georeserve Foundation hinggil sa protektadong lugar matapos sabihin ng BuCor na nais nitong itayo ang bagong headquarters sa lugar.


Sinabi ng BuCor na iginawad sa kanilang ahensiya ang 270-ektaryang ari-arian sa Masungi sa ilalim ng Proclamation No. 1158, na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Samantala, sinabi ni Catapang na nananatiling nakabinbin ang ideya na magtayo ng bagong headquarters habang isinasagawa pa ang karagdagang pag-aaral.


0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page