top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga biktima ng bagyong Odette, "nganga" sa tulong mula sa pamahalaan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 20, 2021


P-DUTERTE, WA' BUDGET PANTULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO--Sabi ni P-Duterte ay wala nang pera ang pamahalaan na pantulong sa mga biktima ng Bagyong Odette dahil naubos na ang National Budget sa response sa COVID-19.


Gayunman, sinisikap pa rin ng pamahalaan na makahanap ng pondo na pantulong sa mga biktima.


Hay naku, imbes na palakasin ni P-Duterte ang loob ng mga typhoon victims, para pang inalisan niya ito ng pag-asa.


Kulang na lang sabihin niyang bahala na muna sila dahil walang budget ang pamahalaan, at saka na lang siya magbibigay-tulong kapag nakaluwag na, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


TRILYONES NA ANG UTANG NG GOBYERNO, TAPOS WALANG PANTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYO?--Sa pagbaba ni P-Duterte sa puwesto next year ay papalo na sa higit P13.41 trilyon ang utang ng Pilipinas sa iba't ibang financial institutions sa buong mundo, at sa kabuuang utang na 'yan, ang halos kalahati riyan ay utang ng Duterte gov't..


Mantakin n'yo, ganyan na kalaki ang utang-panlabas ng 'Pinas, tapos walang pantulong sa mga biktima ng kalamidad? Buwisit!


◘◘◘


KUNG ANG TAPANG NI P-DUTERTE AY GINAMIT NIYA LABAN SA MGA MAGNANAKAW NA PULITIKO, MAY BUDGET PA SANA ANG 'PINAS--Sa totoo lang, rich ang Pilipinas, at kaya lang nasasabing mahirap ay dahil ang pera ng bayan ay sa bulsa ng mga magnanakaw napupunta.


Hay naku, kung ang tapang ni P-Duterte ay ginamit niya sa pagbawi sa pera ng bayan na kinurakot ng mga buwaya, sana ay may budget pa ang kanyang gobyerno sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.


Ang masaklap, imbes na gamitan ng kamay na bakal ang hinayupak na buwaya, nakalaya, pwe!


◘◘◘


KUNG GUSTO NI P-DUTERTE MAGKA-PONDO ANG PAMAHALAAN, BAWIIN NIYA ANG BILYUN-BILYONG NIRAKET NG PHARMALLY--Kung gusto talaga ni P-Duterte na magkapondo para pantulong sa mga biktima ng bagyo, simple lang ang dapat niyang gawin.


Bawiin niya sa Pharmally Pharmaceutical Corp. ang multi-billion peso na niraket nito sa pamahalaan sa pagbili ng mga overpriced na medical supplies.


Pero ang problema, sabit sa scam ang mga tauhan ni P-Duterte sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) at kaibigan niyang si Michael Yang na may konek sa Pharmally, kaya imbes na gumawa ng paraan kung paano mabawi ang kaban ng bayan na dinekwat ng mga ito, ipinagtatanggol pa, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page