top of page
Pokwang.jpg

Mga BF, pinagtatakpan pa raw kahit mali na… BEA, AMINADONG TANGA SA PAG-IBIG KAYA NALOLOKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 11, 2021





Sa isang interview, nabanggit ni Bea Alonzo na siya rin ang dapat sisihin kung bakit lagi siyang bigo at naloloko sa kanyang pakikipagrelasyon.


Aminado ang magandang aktres na mahina siya sa larangan ng pag-ibig at nagpapakatanga. Kahit inaawat na raw at sinasabihan na siya ng kanyang mga kaibigan na layuan ang lalaking karelasyon ay hindi niya ito sinusunod.


Madalas ay pinagtatakpan niya ang mga kapintasan at pagkukulang ng kanyang nobyo. Kaya naman, sarili rin niya ang kanyang sinisisi kapag nauuwi sa breakup ang kanyang mga unang relasyon.


Sa nangyari sa kanila ni Gerald Anderson ay nagkaroon ng realization si Bea. Kung dati-rati ay todo-bigay siya sa lalaking mahal niya, ngayon ay natuto na siyang unahin muna ang sarili.


Masakit ang leksiyon na natutunan ni Bea sa pag-ibig. Pero, mas naging matatag naman siya sa pagharap sa mga hamon at pagsubok ng buhay. At dahil napagod na siyang magmahal at mabigo, hindi na siya magiging adventurer sa pag-ibig. Hindi na siya babansagang "Bea, The Explorer".

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page