top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Mga bahay, damay... Fireworks sa military barracks sumabog, 2 utas, 81 pa nadale

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 7, 2026



Sarah Khalifa - Instagram

Photo: Matapos sumabog ang “pyrotechnic material” sa isang military barracks sa Viacha, Bolivia - AFP photo



Patay ang dalawang katao habang 81 ang sugatan matapos sumabog ang “pyrotechnic material” sa isang military barracks sa Viacha, Bolivia nitong Biyernes ng hapon.


Ayon sa Bolivian Defence Ministry, nangyari ang pagsabog alas-2:30 ng hapon sa artillery regiment na nasa loob ng kampo, may 30 kilometro mula sa La Paz. Labing-apat na sundalo, kabilang ang isang sarhento at 13 conscripts na edad 18 hanggang 19, ang nawawala.


May pangambang mas mataas pa ang bilang ng nasawi. Ayon sa health official na si Rita Nebraska, tinatayang nasa 10 hanggang 15 katao ang maaaring namatay habang patuloy ang paghahanap sa mga guho.


Dahil sa lakas ng pagsabog, ilang bahay ang napinsala at agad nagsagawa ng search and rescue ang mga awtoridad. Nagbabala rin ang health officials na posibleng magkaroon ng panibagong pagsabog kaya pinaiwas ang mga residente nang hindi bababa sa 150 metro mula sa base.


Sinabi ng pulisya na may mga fireworks na nakaimbak sa barracks, pero hindi pa tukoy ang tunay na sanhi ng pagsabog.


Nagdeklara naman ang Viacha ng tatlong araw na pagluluksa. Nang


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page