top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga bagong abogado, lagi sanang bitbit ang konsensya

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2023
1 min read

@Editorial | April 16, 2023


Pagbati sa lahat ng mga nakapasa sa Bar exam.


Kabuuang 3,992 na mga bagong abogado ang inaasahang magseserbisyo sa bayan at magtatanggol sa mga naaapi.


Hangad natin na sila’y maging mabuting abogado, may konsensya para laging manaig ang hustisya at walang takot sa sinumang lumalabag sa batas.


Nakakatuwa na kapag tinatanong ang mga pumapasa sa Bar kung bakit sila nag-abogado, halos iisa ang kanilang sagot, ang makatulong sa mahihirap na biktima ng mga abusado sa lipunan.


Hamon sa mga bagong papasok sa abogasya na tumulong sa pagpapabuti ng sistema ng Hudikatura sa pamamagitan ng pagrepresenta sa mga hindi kayang magbayad ng serbisyong legal.


Tulungan nila ang mga abogadong nananatiling tapat sa kanilang pangako at tungkulin, hindi nasisilaw sa pera o nasisindak sa mga mapepera at makapangyarihan.


Sila ang mga kailangan ng taumbayan, lalo na sa panahon na tila dumarami ang nabubulag sa kasinungalingan.


Ipagpatuloy ang paghahatid ng patas, walang kinikilingan at mabilis na hustisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page