Mga ayaw magpabakuna, suyuin ‘wag takutin!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 16, 2022
KANINONG ‘MANOK’ NG EX-PRESIDENTS ANG MANANALO SA ELEKSIYON 2022–Kung ang kampo nina ex-Presidents Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo ay nakasuporta sa BBM-Sara, nakasuporta naman sa Leni-Kiko tandem ang kampo nina ex-Presidents Fidel V. Ramos at yumaong ex-P-Noy.
Dahil d’yan, lumalabas na ang halalang 2022 ay hindi lang labanan ng mga presidential candidates, dahil labanan na rin ito ng kampo ng mga ex-presidents, period!
◘◘◘
MAHIGIT 34-K PINOY NA ANG NADALE NG COVID-19, SILA ‘YUNG MGA NAGPA-SWAB TEST, EH, ‘YUN KAYANG MGA HINDI PA NA-SWAB TEST, GAANO KAYA KARAMI SA KANILA ANG NAGPOSITIBO?–Kamakalawa ay shocking sa dami ang tinamaan ng COVID-19, kung saan mahigit 34-K ang nagpositibo.
Ang 34-K na ‘yan ay mga nagpa-swab test.
Eh, ‘yung mga hindi na-swab test na hindi nila alam na sila ay positibo pala sa COVID-19, pero gala pa rin nang gala, isipin mo, gaano kaya karami ang mga ‘yan? Nakupo!
◘◘◘
MALI ANG PANANAKOT NI P-DUTERTE SA MGA PILIPINO–Walang patol sa mga ayaw magpabakuna ang utos ni P-Duterte na ‘wag palabasin ng bahay at arestuhin ang mga unvaccinated na lalabas ng bahay dahil may mga lumalabas pa rin na hindi bakunado para maghanapbuhay.
Dapat ibahin ng Duterte gov’t. ang approach, at subukang ang rekomendasyong suyuin at bigyan ng incentives (grocery items o medicines/vitamins kits) ang mga ayaw magpabakuna, para mahimok silang magpabakuna.
Sa totoo lang, mali ang panakot na approach ng pangulo sa mga Pilipino na ayaw magpabakuna kasi ang mga Pinoy ay hindi nakukuha sa takutan, lalo pa ngang nagiging palaban kapag tinatakot, period!





Comments