top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga apektadong estudyante ng Colegio de San Lorenzo sa QC, tutulungan ng DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 16, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | August 16, 2022



Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ngayong Martes na tutulong sila na maghanap ng mga bagong paaralan para sa mga displaced na mga estudyante ng Colegio de San Lorenzo sa Quezon City matapos na ianunsiyo nito ang kanilang permanent closure sanhi ng pinansiyal na kadahilanan.


Sa isang interview, sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na hindi humingi ang Colegio de San Lorenzo ng permiso sa DepEd o nag-inform sa ahensya tungkol sa kanilang intensyon na magsara.


Ayon kay Poa, ang nasabing educational institution ay nagsagawa ng “voluntary closure,” na ibinase sa Section 43 ng DepEd Order (DO) 88 s. 2010.


Bilang tugon, sinabi ni Poa na ia-assist ng DepEd ang lahat ng mga apektadong estudyante sa paghahanap ng mga paaralan kung saan sila ay tatanggapin, bilang pagsisimula na rin ng School Year 2022-2023 sa Lunes, Agosto 22.


“Sa ganyang paraan muna natin susubukan tulungan ang mga learners. Maghahanap tayo ng mga schools that can help absorb the students kasi nga ilang araw na lang po ay pasukan na,” saad ni Poa.


Sa isang mensahe ni Poa sa mga reporters, sinabi nitong may isang private school sa Quezon City na nag- inform na sa DepEd ng pagnanais nilang i-absorb ang mga estudyante, partikular na ang mga Grades 11 at 12, na pareho ang tuition rate gaya ng Colegio de San Lorenzo.


Aniya, umaasa naman ang DepEd na maraming paaralan ang ganoon din ang gagawin.


Nanawagan din si Poa sa Colegio de San Lorenzo na agad i-facilitate ang transfer ng mga records ng mga estudyante at i-refund ang tuition ng mga nakapag-enroll na para sa incoming school year.


Ayon kay Poa, base sa protocols, ang DepEd ay mag-iisyu lamang ng isang acknowledgement of closure kapag natiyak na nila na ang mga transfer credentials ng mga apektadong estudyante ay na-process at na-release na ng paaralan.


Nang tanungin hinggil sa assistance ng DepEd na ibibigay para naman sa mga displaced teaching personnel, ayon kay Poa na sa ilalim ng Section 84 ng paherong DO, ang mga private school teachers na na-terminate dahil sa voluntary closure ng mga private schools ay entitled sa separation pay.


“As to any form of assistance that the DepEd can provide, we will explore this. But again, I have to emphasize that these are private school teachers,” dagdag pa ni Poa.


Nitong Lunes, ipinahayag ng Colegio de San Lorenzo na ang kanilang Board of Trustees ay nagdesisyon na permanenteng isara ang institution anila, “due to the financial instability and lack of financial viability brought about by the ongoing pandemic and exacerbated by consistent low enrollment turnout over the past years.”


Samantala, sa hiwalay na interview, sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III na ang mga paaralan ay kadalasang ipinaaalam o in-inform ang commission ng pauna o in advance ng kanilang impending closure.


Ayon kay De Vera, hindi ito nangyari sa Colegio de San Lorenzo.


“Ito medyo bigla-bigla kaya meron tayong problema dito sa pagsara nila,” saad ni De Vera.


Bago ang pagsasara, binanggit ni De Vera na ang mga paaralan ay dapat na maghanda para sa transfer ng mga dokumento ng mga estudyante sa kanilang bagong mga paaralan habang kailangang tiyakin nito ang pagbibigay ng separation pay sa mga apektadong empleyado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page