top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga aning bigas, ipamimigay sana… FARM NI NORA SA BIKOL, NASALANTA NI ROLLY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 3, 2020




May fundraising activities ang Superstar na si Nora Aunor para sa kanyang mga kababayan sa Bikol na sinalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses. Sa pakikipagtulungan ng Noranians Worldwide at ng BONA (Believers of Nora Aunor) sa pamumuno ni Emily Martin, inilunsad ang T-Shirt for a Cause.


Sa bawat t-shirt na bibilhin ay may isang pamilyang matutulungan. Ang halaga ng t-shirt ay P350.00 kasama na ang shipping fee.


Patuloy ang pangangalap ng donasyon ni Nora Aunor at ng mga Noranians para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Virac, Catanduanes. Maging ang palayan ni Aunor sa Iriga, Camarines Sur ay binaha rin. Plano pa naman ni Guy na ipaani na ito at makapagbigay ng bigas sa ilang nangangailangan.


Noong April to May na harvest ay may naipamigay siya. Kaya, labis na ikinalulungkot ni La Aunor na wala siyang maaaning bigas para sa second wave ng kanyang paayuda.


Nasa locked-in taping ng Bilangin ang mga Bituin ang Superstar nang makarating sa kanya ang balitang nasalanta ng bagyo ang kanyang bukirin sa Bikol. Awang-awa siya nang mapanood sa telebisyon ang mga binagyong residente ng Catanduanes. Kaya, nakipagtulungan siya sa kanyang mga fans club para makalikom ng pambili ng relief goods na ipamimigay sa Bikol at pati na rin sa Cagayan Valley!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page